who am I

who am I

Wednesday, July 6, 2011

"Paano na kaya?" :(

Matagal-tagal din hindi ako nakapag-BLOG ngayon simula nung nagpasukan na, at sabayan pa ng mga performances sa Choir, sobrang busy ko na talaga. At ngayon, naisipan ko na mag-post ngayon ng bagong blog dahil may problema ako. sa ngayon kasi dito ko lang talaga malalabas tong nararamdaman ko kaya dito na ako nagpunta.

Ang hirap talaga kasi ng problema ko. Ang problema ko, IN LOVE AKO SA KAIBIGAN KO!! Ang pangalan niya ay Gilbert, ka-choirmate ko siya sa Choir namin sa RTU (Himig Rizalia). Sa choir namin bawal ang magka-relasyon o magka-inLABan, kaya kung sasali ka sa dito dapat manhid ka, pero mapipigilan mo bang hindi ma in-love sa isang tao? hindi diba?! sinabi mo dati hindi ka maiinlove pero ngayon, ano? kaya wag tayo maging sigurado sa sarili natin kasi hindi natin alam na bukas o sa susunod na araw malay mo, mahal mo na bigla siya.. kaya ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi siya gwapo, BABALUUU nga siya eh, matangkad, payat, matalino, mabait at super maalaga siya. pero siguro dahil nga magkaibigan kami at super close na kami, nag-aasaran pa, dun siguro nagsimula 'to. kaka-asar ko kasi sa baba niya, yan! tuloy, na-inlove ako sa kanya.. sa tuwing may practice ng choir, lage kaming nag-aasaran.. at sa tuwing ginagawa namin un, sobrang saya ko, kung pwede ganun nalang lage, kaya pag dumating na ung day ng parctice ng choir, super duper excited ako kasi makikita ko siya.pero habang tumatagal, habang dumadaan ang panahon, lalong lumalala, lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya! at ang hirap pigilan, parang gusto kong sumabog, gustong kong sbihin sa kanya. kaso hindi pwede, dalawa lang naman ang posibleng mangyare kung sabihin ko sa kanya. Una, bawal sa choir 'to baka pareho pa kaming matanggal if ever, at pangalawa, magkaibigan kami, pag sinabi ko sa kanya 'to baka mawala ung Friendship namin at hindi na kami mag-usap dahil magkakailangan na. kaya, sobrang problemado ako.. ang hirap ma-in Love, First time ko 'to. PROMISE !! >o<

kaya ang naiisip ko nalang sa ngayon, mejo lalayo muna ako sa kanya para hindi lumala tong nararamdaman ko at gagawin ko nalang siyang inspirasyon sa pag-aaral ko, kahit na minsan sakit sa ulo ang binigigay nito saken.. haaay. mejo naluwagan na ko, thanks for Bloggers, parang Diary lang. ahahah !! naglabas lng ng sama ng loob. good luck saken, sana mawala na tong nararamdaman ko. ahahaha !! XD

Theme Song ko sa sarili ko: "Paano na kaya?" by Bugoy XD